December 23, 2024

Home SHOWBIZ Events

Pia Wurtzbach, kauna-unahang Pilipinang rumampa sa L'Oréal Fashion Show

Pia Wurtzbach, kauna-unahang Pilipinang rumampa sa L'Oréal Fashion Show
Photo courtesy: Pia Wurtzbach (FB)

Gumawa ng kasaysayan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos rumampa sa catwalk ng L'Oréal Fashion Show sa Paris Fashion Week, na ginanap sa Place de l'Opéra sa Paris, France noong Setyembre 23, 2024.

Tamang-tama ito sa pagdiriwang niya ng ika-35 kaarawan, isang araw pagkatapos ng bonggang event.

Ang tema ng nabanggit na fashion week ay selebrasyon ng women's empowerment, inclusion, at sisterhood, na mababasa sa website ng nabanggit na brand.

Nakasama lang naman sa catwalk ni Pia ang iba pang international stars gaya nina Kendall Jenner, Cara Delevingne, Eva Longoria, Viola Davis, at Alia Bhatt.

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

Kasama ni Pia ang kaniyang mister na si Jeremy Jauncey.

Sa kaniyang Instagram post ay flinex ni Pia ang ilan sa mga kuhang larawan habang nasa Loreal Suite.

"Just a few more hours before it’s showtime…but first, an obligatory balcony shot! Sharing a few snaps at the Loreal Suite and me signing some polaroids. It’s the calm before the storm. But I’m ready!" ani Pia.

Sa isa pang Instagram post ay ibinahagi ni Pia ang isang video ng aktuwal na pagrampa niya sa fashion show.

"Celebrating my birthday on the L’Oréal runway felt like a beautiful tapestry of every step I’ve taken—crawling, standing, and now walking confidently toward my purpose."

"This experience was a beautiful reminder of the strength we carry as women. May we always embrace our worth and walk boldly toward our dreams."

"Here’s to empowering each other, one step at a time," aniya.

Kamakailan lamang ay laman ng mga balita si Pia matapos pag-usapan ang pagpo-post niya ng video mula Carolina Herrera fashion show subalit napag-alamang hindi naman daw siya ang kumuha nito at ni-repost lamang. 

Ngunit sa mga sumunod na posts ay naglapag na ng mga resibo si Pia na invited talaga siya sa show ni CH subalit hindi lamang siya nakapasok dahil na-late siya. 

MAKI-BALITA: Pia, naglapag ng mga 'resibo' na invited siya sa Carolina Herrera fashion show