September 25, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie Diaz kina Richard Gutierrez, Barbie Imperial: 'Kahit 'di na tanungin sila na'

Ogie Diaz kina Richard Gutierrez, Barbie Imperial: 'Kahit 'di na tanungin sila na'
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT), Ogie Diaz (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si showbiz insider Ogie Diaz sa lumutang na video kung saan matutunghayang kasama ni Kapamilya actor Richard Gutierrez ang rumored-girlfriend nitong si Barbie Imperial sa set ng “Incognito” sa Italy.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni Ogie na kahit hindi na raw niya tanungin pa sina Richard at Barbie ay hindi maitatangging may relasyon talaga ang dalawa.

“Wala naman silang dine-deny tungkol sa relasyon nila. Kahit hindi ko naman tanungin sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial e sila naman talaga. Makikita mo naman,” saad ni Ogie.

Matatandaang kinumpirma ni Ogie sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Mayo na exclusively dating na raw ang dalawa.

Tsika at Intriga

Chloe nagpasalamat kay Toni, may ilalantad pa patungkol sa kaniya

Pero hanggang ngayon, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring inilalabas na anomang pahayag sina Richard at Barbie para pabulaanan o kumpirmahin ang real-score nila.

Samantala, nangako naman daw si Barbie kay Ogie ng one-on-one interview nang minsan siyang hiritan ng huli.