September 28, 2024

Home SHOWBIZ Events

Kim Chiu, tinanggap na ang 'Outstanding Asian Star' award sa South Korea

Kim Chiu, tinanggap na ang 'Outstanding Asian Star' award sa South Korea
Photo courtesy: ALTStarMagic (X)

Nag-uumapaw ang puso ng tinaguriang "Chinita Princess" at Kapamilya Multimedia Superstar na si Kim Chiu matapos niyang tanggapin ang parangal bilang "Outstanding Asian Star" sa 2024 Seoul International Drama Awards sa South Korea ngayong Miyerkules, Setyembre 25.

Ang parangal ay dahil sa kaniyang pagganap bilang "Juliana Lualhati" sa drama series na "Linlang" sa produksyon ng ABS-CBN Studios, Dreamscape Entertainment, at VIU Philippines.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Kim na masayang-masaya siya at malaking karangalang naging kinatawan siya ng ABS-CBN at buong Pilipinas para sa nabanggit na award.

Inialay niya sa kaniyang ABS-CBN at Star Magic bosses, lalo na sa namayapang Dreamscape head na si Deo Endrinal, sa kaniyang fans at mahal sa buhay ang kaniyang parangal. Binanggit din niya ang lahat ng mga bumubuo sa Linlang magmula sa mga direktor, co-stars, staff, at crew ng production team.

Events

Pia Wurtzbach, kauna-unahang Pilipinang rumampa sa L'Oréal Fashion Show

Naging emosyunal si Kim nang mabanggit niya si Deo na siya raw mentor at gumabay sa kaniya para marating kung anuman ang kinatatayuan niya ngayon.