Nagpaabot ng pasasalamat ang ina ni Calix na si Carlene Aguilar para kay Kapuso star Jennylyn Mercado.
Sa latest Instagram post ni Jennylyn kamakailan, makikita ang bati ni Jennylyn para sa kaarawan ng kaniyang stepson kalakip ang mga larawan nito.
“Happy birthday, Kuya Calix! May all your wishes come true today and every day. We love you! ” saad ni Jennylyn.
Komento naman ni Carlene: “Thank you mommy jen for loving Calix as your own ”
Kaya naman hindi nakapagtataka na may dalawang netizen ang nagbigay ng reaksiyon sa magandang arrangement ni Jennylyn sa tunay na ina ni Calix. Narito ang kanilang sey:
"@misscarleneaguilar grabe to! Wala issue both side. Very mature.."
"@misscarleneaguilar Sanaol po ganito. "
Matatandaang si Calix ang panganay na anak ni Dennis Trillo sa blended family na binuo nila ni Jennylyn. Sumunod sa kaniya si Jazz, na anak ni Jennylyn sa aktor na si Patrick Garcia, at ang bunso sa pamilya na si Dylan, anak nina Dennis at Jennylyn.