September 25, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe panay kiss daw nila ni Caloy fine-flex; fans, rumesbak

Chloe panay kiss daw nila ni Caloy fine-flex; fans, rumesbak
Photo courtesy: Chloe San Jose (FB)

Ayaw talagang tantanan ng bashing ang kontrobersiyal na partner ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose, dahil sa bawat post o kibot niya, asahan na talaga ang pagdagsa ng haters at detractors niya.

May mga sandaling pumapatol si Chloe, may mga pagkakataong sumasagot siya pero sa cool na paraan, at may ilan namang sandaling pinalalagpas lamang niya at hinahayaan ang mga tagasuporta niya na siyang bumira para sa kaniya.

Kagaya na lamang sa isang Facebook post niya kung saan makikita ang sweet moment nila ni Caloy habang nakabakasyon sila sa South Korea.

"Dear Seoul, you had us at annyeonghaseyo," mababasa sa caption."

Tsika at Intriga

Ogie Diaz kina Richard Gutierrez, Barbie Imperial: 'Kahit 'di na tanungin sila na'

Dear Seoul, you had us at... - Chloe Anjeleigh San Jose | Facebook

Makikita ang tukaan ng lovebirds na talagang umani ng reaksiyon at komento mula sa netizens.

Isang netizen pa nga ang pumuna sa kaniya kung bakit daw panay "halikan" nila ni Caloy ang kadalasang fine-flex niya.

Katwiran ng netizen na nagngangalang "Devinia," kung tunay raw ang pagmamahalan ng dalawa, kahit wala na raw halikan ay sapat na.

"What’s the deal with picture always kissing? If your love is authentic its in your heart. You dont need to prove it to the world. OA lang labas nyo!" mababasang komento ng netizen.

Photo courtesy: Screenshot from Chloe Ajeleigh San Jose (FB)

Hindi sumagot dito si Chloe subalit ang fans at supporters niya ang rumesbak para sa kaniya.

"medyo OA ka din sa pagcomment mo here day"

"none of your biz"

"teh kung gusto mo halikan mo rin jowa mo, kung may jowa ka man."

"Devinia eh bakit nakikialam ka sa kung pano nila iexpress relasyon nila? hindi ka sguro kinikiss at pinopost ng asawa mo kaya inggit ka lang."

"So? Haleer te, ACCOUNT NIYA YAN, KUNG ANO MAN I POST NIYA, WAGKANG MANGIALAM, PAKIALAMERA."

Sa kabilang banda, ilang netizens din naman ang sumang-ayon at pumanig sa komento ni "Devinia."

"true. Wala sya dapat e prove kung genuine love nya caloy.... Ako lang ba nakapansin na always ganyan ang pose nya"

"ang sweet sa social media sana ganon din sa personal na walang nakakita"

"just a receipts tellin that they are unbothered. Kunwari masaya cla."

"hahaha trying to prove something parati"

Sa panayam kay Chloe ng TV host na si Luis Manzano, sa vlog niyang "Luis Listens," sinabi ng personalidad na mas pinipili niyang maging authentic kasi maging people pleaser.

MAKI-BALITA: Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser