September 25, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe nagpasalamat kay Toni, may ilalantad pa patungkol sa kaniya

Chloe nagpasalamat kay Toni, may ilalantad pa patungkol sa kaniya
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Nagpahayag ng pasasalamat si Chloe San Jose kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga at sa production team ng "Toni Talks" matapos ang panayam sa kanila ng boyfriend na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

"Thank you so much, Ms. Toni Gonzaga and the entire Toni Talks team, for the wonderful opportunity to share our story—we are incredibly grateful for your warmth," aniya.

Nabanggit pa ni Chloe na mukhang may part 2 pa ang panayam at mas nakapokus naman sa kaniyang life at personal journey.

"Catch me in the next episode as I share some heartfelt moments and dive even deeper into my own personal journey. Stay tuned!!"

Tsika at Intriga

Ogie Diaz kina Richard Gutierrez, Barbie Imperial: 'Kahit 'di na tanungin sila na'

Thank you so much, Ms. Toni Gonzaga and... - Chloe Anjeleigh San Jose | Facebook

Samantala, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang Toni Talks matapos mapansin ng mga netizen na tila nabura daw ang video ng panayam sa YouTube channel ni Toni.

Ayon sa paliwanag ng Toni Talks team ay nagkaroon ng technical issues sa video, na kalaunan ay naayos din.

MAKI-BALITA: Panayam nina Chloe at Caloy sa Toni Talks, nagkaroon ng technical issues