October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anne bumati sa b-day ni Pia; netizen, kinuwestyon loyalty niya kay Heart

Anne bumati sa b-day ni Pia; netizen, kinuwestyon loyalty niya kay Heart
Photo courtesy: Heart Evangelista, Anne Curtis, Pia Wurtzbach (IG)

Usap-usapan ang pagbati ng tinaguriang "Dyosa" ng showbiz na si Anne Curtis sa 35th birthday ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, matapos ibida ng huli ang pagrampa sa naganap na L'Oréal Fashion Show.

Gumawa ng kasaysayan si Pia matapos rumampa sa catwalk ng L'Oréal Fashion Show sa Paris Fashion Week, na ginanap sa Place de l'Opéra sa Paris, France noong Setyembre 23, 2024.

Nagkataong birthday ni Pia noong Setyembre 24 kaya nagsilbing birthday gift ito para sa kaniya.

"Celebrating my birthday on the L’Oréal runway felt like a beautiful tapestry of every step I’ve taken—crawling, standing, and now walking confidently toward my purpose. This experience was a beautiful reminder of the strength we carry as women. May we always embrace our worth and walk boldly toward our dreams. Here’s to empowering each other, one step at a time," mababasa sa caption ni Pia, kalakip ang kaniyang video ng pagrampa sa fashion show.

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

Isa sa mga celebrity na nagpaabot ng pagbati sa kaniya, ay si Anne.

"Happy Birthday Pia!" saad ni Anne.

Nagwala naman ang fans at nagpasalamat sa pagbati ng isa sa mga fina-follow na artista sa bansa.

"dyosa Anne!"

"Thanks Dyosa Anne!"

"Dyosa!"

"pinakatotoong tao at napakabait.Walang masamang tinapay kay Anne."

"dyosa to another"

"Wish we can see more of her in fashion events. Her Loewe look last season was divine."

Ngunit isang netizen ang sumingit at tila kinuwestyon ang pagbati ni Anne kay Pia, na pinagsasabong ng fans kay Kapuso star Heart Evangelista, na kaibigan naman ng una. Ano na raw ang nangyari sa loyalty niya kay Heart?

MAKI-BALITA: 'This is not edited!' Pa-thank you ni Heart kay Kim Jones, patutsada kay Pia?

MAKI-BALITA: Pinamukha kay Pia? Heart present sa fashion show, 'Yes, video by yours truly!'

MAKI-BALITA: Pia umawra, ibinida ang serpent necklace; pasaring kay Heart?

Mismong fans na rin ang sumaway, kumuyog at sumunog sa komento ng netizen.

"why can't you just shut ur mouth up! Kayo lang naman gusto ng away ! Be nice will you?"

"stop the negativity, jusko te"

"Kaloka ka ateng pati si Anne gusto mo idamay sa katoxican niyo"

"may pa bible verse pa sa bio, bobita mindset naman"

Mapapansin namang wala na ang komento ng nabanggit na netizen, na tila nag-delete agad matapos kuyugin ng mga tagahanga nina Pia at Anne.