September 25, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, isinilang na panganay nila ni Zanjoe Marudo

Ria Atayde, isinilang na panganay nila ni Zanjoe Marudo
Photo Courtesy: La Belle Fete (IG), Screenshot from Zanjoe Marudo (FB)

Nanganak na raw ang misis ni Kapamilya actor Zanjoe Marudo na si Ria Atayde.

Sa Facebook post ni Zanjoe nitong Lunes ng gabi, Setyembre 23, makikita ang anunsiyo hinggil sa paglabas ng bata.

“God’s grace that Zanjoe, Ria and Baby M were born on the 23rd day of the month ” saad sa caption ng post.

Samantala, makikita naman sa larawan na parehong nakalagay ang kani-kanilang birthday. Si Zanjoe: July 23, si Ria: March 23, at ang panganay naman nila ay September 23.

Relasyon at Hiwalayan

Medyo taken? Rabiya, nagsalita tungkol sa estado ng relasyon kay Jeric

Umani ng mensahe ng pagbati mula sa mga netizen ang mag-asawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Congratiolations mam ria and boss zanjoe"

"WoW.. Congratulations to both of you.. meant to be po talaga kayo.."

"Wow! Congrats and God bless your family "

"Congratulations 23 What a lucky date "

"Congratulation kuya Zanjoe Marudo 23 is your lucky number "

"Wow! Congratulations Your first baby is born today September 23 the Feast of Padre Pio of Petrelcina May God showers and blesses you more with healthy family "

"Congratulations to you both"

"Lucky no.so bless for them Congratulations god bless"

Malamang na labis ang tuwa ang ina ni Ria na si Sylvia Sanchez sa balitang ito dahil noong Hunyo ay naghayag siya ng pananabik sa nalalapit na pagsilang sa apo niya.

MAKI-BALITA: Sylvia, excited na sa magiging apo niya kina Ria at Zanjoe