October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Raquel Pempengco, iniisyung may pinariringgan: 'Sapul kung sino tamaan!'

Raquel Pempengco, iniisyung may pinariringgan: 'Sapul kung sino tamaan!'
Photo courtesy: Raquel Pempengco (FB)

Naintriga ang mga netizen kung sino ang pinatatamaan ni Raquel Pempengco sa kaniyang recent Facebook post patungkol sa mga inang pinaiyak at itinakwil ng anak.

Ayon sa Facebook post ni Mommy Raquel noong Setyembre 22, wala raw patutunguhan sa buhay ang isang anak na pinaluha at ipinalayo sa buhay ang kanilang ina, kahit gaano pa raw ang narating na tagumpay sa buhay.

Giit pa ni Mommy Raquel, napapalitan daw ang asawa at kasintahan subalit ang mga magulang daw ay iisa lamang. Iginiit pa ni Raquel ang sampung utos ng Diyos na paggalang sa mga magulang.

Photo courtesy: Raquel Pempengco (FB)

Kalakip ng post ay isang video clip ni Charice noon, at isang screenshot kung saan mababasa ang isang bible verse.

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

Matatandaang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nag-uusap sina Mommy Raquel at anak na si Jake, na ang huli ay naninirahang mag-isa sa US.

Anyway, ilang netizens ang ikinonekta ang post niya sa hindi matapos-tapos na girian sa pagitan nina two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at pamilya niya, lalo na sa kaniyang mga magulang na sina Angelica at Mark Andrew Yulo.

Giit ni Raquel sa isang Facebook post, wala umano siyang pinariringgan dahil general o pangkalahatan ang post niya.

Subalit hirit niya, tamaan na raw kung sino ang dapat tamaan.

KAUGNAY NA BALITA: Anak na pinaiyak, itinakwil ang ina walang patutunguhan sa buhay sey ni Raquel