October 05, 2024

Home SHOWBIZ Events

Queen Dura wagi ng ₱1M, kotse sa palaro ni Donnalyn; cash prize, para sa Angat Buhay

Queen Dura wagi ng ₱1M, kotse sa palaro ni Donnalyn; cash prize, para sa Angat Buhay
Photo courtesy: Queen Dura (FB)/Screenshots from Donnalyn Bartolome (FB)

Ang social media personality na si "Queen Dura" ang nagwagi sa pa-challenge ng social media influencer-actress na si Donnalyn Bartolome, na napanood nang live sa kaniyang Facebook account noong Setyembre 21.

Facebook

Tinawag ang challenge na "Extreme Last to Touch the Car Wins the Car" ang nabanggit na palaro, na sinalihan ng iba pang social media personalities at celebrities gaya nina Nikko Natividad, Buboy Villar, Ramona Thornes, Jelai Andres, Ann Mateo, Vrix Gallano, Norme Garcia, Spencer Serafica, at jowa ni Donnalyn na si JM De Guzman.

Iba't ibang hamon pa ang ibinigay sa contestants upang masubok ang kanilang endurance, hanggang sa huli, si Queen Dura ang nagwagi.

Events

Rendon sa pagtakbo ni Diwata: 'Baka akala magluluto, magtitinda lang siya ng pares!'

Nanalo si Queen Dura ng brand new Subaru Forester at tumataginting na ₱1 milyon, na mapupunta sa charity na "Angat Buhay."

Ang Angat Buhay Foundation ay itinatag ni dating Vice President Leni Robredo.

Samantala, inaddress naman ni Nikko ang isyu ng "pandaraya" daw niya sa game.

Nilinaw rin niyang wala siyang sinabing hindi deserve ni Queen Dura ang panalo, bagama't sinabi niyang na-late ito nang dating sa venue, sa loob ng apat na oras.

MAKI-BALITA: Nikko umalma sa paratang na nandaya sa palaro ni Donnalyn