Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Martes ng umaga, Setyembre 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:32 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 74 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Looc, Occidental Mindoro, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.