September 25, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nikko umalma sa paratang na nandaya sa palaro ni Donnalyn

Nikko umalma sa paratang na nandaya sa palaro ni Donnalyn
Photo courtesy: Screenshots from Donnalyn Bartolome (FB)

Pinalagan ng aktor na si Nikko Natividad ang mga akusasyong nandaya siya sa challenge game ng social media personality na si Donnalyn Bartolome, na ang premyo ay isang brand new car.

Ang palaro ni Donnalyn ay may pamagat na "EXTREME LAST TO TOUCH THE CAR WINS THE CAR LIVE." Kung sino ang huling hindi aalis ang mga kamay sa pagkakahawak sa kotse, siya ang mag-uuwi nito.

Facebook

Binigyang-linaw ni Nikko sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 22 na hindi raw siya nandaya at may ilang mga bagay raw sa panuntunan ng palaro na magulo.

Tsika at Intriga

'Maple Leaf Dreams,' inunahan ang 'Hello Love Again?'

Nabanggit ni Nikko na late nang apat na oras ang isang kalahok subalit pinayagan pa rin daw sumali.

Sa huli, ang social media personality na si "Queen Dura" ang nagwagi sa challenge, na tinukoy niyang na-late nang apat na oras.

"Hindi ako nandaya. Nagagalit kayo na hindi ako nagsabe na ginulat ako? E nakita ng mga staff(police) DIBA DAPAT SILA ANG NAGSABI nun dahil yun ang trabaho nila at STAFF nyo yun o mismong mga kalaban ko sa laro ang nagsabi nun. Pero bakit parang kasalanan ko lahat? Sobrang gulo ng laro rules and everything. Madaming hindi patas sa challenge mula umpisa. Hindi ako galit dahil hindi ko nakuha yung car. Masakit lang sa part ko na napagtutulungan ng mga tao na nandaya daw ako. Pero kung ibaback track nyo umpisa palang ng laro . Almost 4hrs late si queen dura. Tinanong kami kung papapasukin pa namin sya. Humindi kame kasi unfair samin lahat yun dahil sobrang laki ng gap ng almost 4hrs. Pero pinasok parin sya, ngayon kung sasabihan nyo ako na mandaraya mag back track muna kayo ng game mula umpisa."

"Regarding sa pag upo. (Hindi ako umuupo nag stretching ako at pano naman ako makakaupo e hindi aabot pwet ko sa sahig sa layo ng kamay ko)"

"Umiinum daw ako ng tubig pag may ihi break kami na 3mins. (Yes pwede po yun staff pa nga nila nag aabot tubig samen)."

Hindi ako nandaya. Nagagalit kayo na... - Nikko Seagal Natividad | Facebook

Nilinaw rin ni Nikko na wala siyang sinasabing hindi dapat si Queen Dura ang nanalo.

"Congratulations parin queen dura. Ok kami lahat dun. Lahat kaming magkakalaban ok kami lahat. Hindi ako nagalit kasi sinabi nya na naalis kamay ko. Ok yun kasi part ng game yun. Pero gusto ko lang clear name ko na hindi ako mandaraya," aniya.

Congratulations parin queen dura. Ok kami... - Nikko Seagal Natividad | Facebook

Sa isa pang Facebook post, muling nilinaw ni Nikko na wala siyang sinasabing hindi deserve ni Queen Dura ang panalo niya. Ang purpose daw kung bakit siya nag-post ay para linisin ang pangalan niya sa isyu ng pandaraya sa game. Muling pinagdiinan ni Nikko na may kaguluhan ang rules at regulation ng laro ni Donnalyn.

"Wala po ako sinasabe na hindi dapat nanalo si queen dura. Hindi ako galit sakanya o anu pa man. Ang bottomline ko rito hindi ako nandaya. Magulo po ang rules and regulations ng laro. Maraming salamat sa nakakaunawa," aniya.

Wala po ako sinasabe na hindi dapat... - Nikko Seagal Natividad | Facebook

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Donnalyn tungkol sa isyu.