September 25, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Medyo taken? Rabiya, nagsalita tungkol sa estado ng relasyon kay Jeric

Medyo taken? Rabiya, nagsalita tungkol sa estado ng relasyon kay Jeric
Photo Courtesy: Screenshot from YouLOL (YT), Rabiya Mateo (IG) via Fashion Pulis

Nagbigay na ng pahayag ang beautyqueen-turned Kapuso actress na si Rabiya Mateo kaugnay sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ng jowang si Jeric Gonzales.

Sa latest episode ng “The Boobay and Tekla Show” kamakailan, pabirong humirit si Rabiya na siya raw ngayon ay “medyo taken.”

“Rabiya, gusto naming malaman. Kumusta ang relationship status mo ngayon?” usisa sa aktres.

“Medyo taken charot,” sagot ni Rabiya sabay tawa. “Depende sa topak ko sa araw na ‘yon.”

Relasyon at Hiwalayan

Zeinab niluhuran si Ray Parks sa Japan

Pero kidding aside, sabi ni Rabiya: “I’m still in a relationship, yes.”

Matatandaang napansin ng mga marites na netizen noong nakaraan na hindi na naka-follow sina Jeric at Rabiya sa Instagram account ng isa’t isa.

Pero minsan na ring napag-usapan na hiwalay na raw ang dalawa noong Hunyo 2022.

MAKI-BALITA: Jeric Gonzales, Rabiya Mateo hiwalay na ulit?