October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Dating child star na pinaaral ni Vice Ganda, nakatapos ng magna cum laude

Dating child star na pinaaral ni Vice Ganda, nakatapos ng magna cum laude
Photo Courtesy: Amy Nobleza (IG), Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT)

Labis ang pasasalamat ng dating child star na si Amy Nobleza sa naitulong sa kaniya ni Unkabogable Star Vice Ganda upang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Sa isang Instagram post ni Amy kamakailan, makikita sa caption na kabilang ang pangalan ni Vice Ganda sa mga taong pinasalamatan niya.

“I did it! Thank you, Lord! Everything became possible because of the support and trust of the people around me,” saad ni Amy. 

“I thank my family for their love and unwavering support; my classmates for our unforgettable moments, late nights, and countless coffees; Team Amy and my friends who support me in my endeavors; my professors for their guidance and the wisdom they shared with us; and especially to the person who helped me finish and achieve this, meme @praybeytbenjamin . I’ll forever be grateful to you,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Nagtapos si Amy sa Lyceum of the Philippines University - Manila sa ilalim ng programang Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management na may karangalang magna cum laude.

Matatandaang sa isang episode ng “It’s Showtime” noong 2019 kung saan sumalang si Amy bilang kalahok sa “Tawag ng Tanghalan” ay nag-alok si Vice Ganda ng tulong para makapag-aral siya sa kolehiyo kung sakaling hindi niya kayanin.