October 03, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anak na pinaiyak, itinakwil ang ina walang patutunguhan sa buhay sey ni Raquel

Anak na pinaiyak, itinakwil ang ina walang patutunguhan sa buhay sey ni Raquel

Usap-usapan ang makahulugang post ni Raquel Pempengco, nanay ni international singing sensation Jake Zyrus (Charice Pempengco noon) patungkol sa mga anak na nagpaiyak at nagtakwil ng kanilang mga ina.

Ayon sa Facebook post ni Mommy Raquel noong Setyembre 22, wala raw patutunguhan sa buhay ang isang anak na pinaluha at ipinalayo sa buhay ang kanilang ina, kahit gaano pa raw ang narating na tagumpay sa buhay.

Giit pa ni Mommy Raquel, napapalitan daw ang asawa at kasintahan subalit ang mga magulang daw ay iisa lamang. Iginiit pa ni Raquel ang sampung utos ng Diyos na paggalang sa mga magulang.

... - Raquel Relucio Pempengco | Facebook

Tsika at Intriga

Heart at Pia, nag-unfollowan na raw sa IG; tanong ng netizens, 'Sinong nauna?'

Kalakip ng post ay isang video clip ni Charice noon, at isang screenshot kung saan mababasa ang isang bible verse.

Photo courtesy: Raquel Pempengco (FB)

Matatandaang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nag-uusap sina Mommy Raquel at anak na si Jake, na ang huli ay naninirahang mag-isa sa US.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagbigay rin ng kaniyang saloobin si Raquel patungkol sa dating boses ng anak.

MAKI-BALITA: 'Kung ganito pa sana boses niya!' Raquel, muling nanghinayang para kay Jake?

Samantala, ilang netizen naman ang nagsabing timely o napapanahon daw ito lalo na't mainit pa rin ang usapin ng hidwaan nina Carlos Yulo at pamilya niya, lalo na sa kaniyang inang si Angelica Yulo.