September 23, 2024

Home BALITA National

Wala pang 10 minuto! Senate committee, isinumite na ₱10.5B proposed budget ng PBBM office

Wala pang 10 minuto! Senate committee, isinumite na ₱10.5B proposed budget ng PBBM office
(MB file photo)

Matapos ang wala pang sampung minutong sesyon, isinumite na ng Senate Finance Committee ang ₱10.5 bilyong panukalang budget sa 2025 ng Office of the President (OP) sa Senate Plenary session, kung saan wala na umanong pagtatanong na nangyari.

Minove nina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at Senador Nancy Binay ang submission ng proposed budget ng OP nitong Lunes, Setyembre 23.

Wala na rin umanong pagtatanong na nangyari sa sesyon nang ipasa ito ng Senate committee level.

Ayon kay Estrada, tinerminate ang briefing at mabilis na inaprubahan ng panel ang panukalang budget ng opisina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa “parliamentary courtesy” na ibinibigay sa co-equal branch ng pamahalaan.

National

'May suspected lung infection?' PNP, ibinahagi X-ray result ni Alice Guo