December 25, 2024

Home BALITA National

'May suspected lung infection?' PNP, ibinahagi X-ray result ni Alice Guo

'May suspected lung infection?' PNP, ibinahagi X-ray result ni Alice Guo
Alice Guo (file photo)

Ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng medical examination ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Base sa ulat ng GMA News, sinabi ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo nitong Lunes, Setyembre 23, na nakitaan si Guo na posibleng impeksyon sa kaliwang baga.

Dahil dito, inihiwalay muna umano si Guo sa selda kasama ang iba pang inmates na may tuberculosis.

Nito lamang Lunes ng umaga nang ilipat si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory mula sa Philippine National Police (PNP) custodial center sa Camp Crame.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

MAKI-BALITA: Alice Guo, nailipat na sa Pasig City Jail

Ito ay kaugnay ng utos ng Pasig Regional Trial Court (RTC) dahil umano sa kinahaharap ng pinatalsik na alkalde na kaso ng qualified human trafficking.

MAKI-BALITA: Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking