September 23, 2024

Home BALITA Politics

Doc Willie Ong, may misyon pa raw sa mundo; pagbabatiin mga politiko

Doc Willie Ong, may misyon pa raw sa mundo; pagbabatiin mga politiko
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs (YT)

Isandaang porsiyeto raw na natitiyak ni dating vice president aspirant at cardiologist na si Doc Willie Ong na may misyon pa raw siya sa mundo kaya siya binuhay ng Panginoon.

Sa latest episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong Linggo, Setyembre 22, ibinahagi ni Ong kung ano ang misyong tinutukoy niya.

“Pagbabatiin natin silang lahat [politiko]. E, kung tayo-tayo na politiko ang nag-aaway e ‘di wala,” saad ni Ong.

“Ano pang time mo maggawa ng healthcare, ng Philhealth? Wala nang oras. We are our own worst enemy,” dugtong pa niya.

Politics

Sen. Revilla, Sec. Abalos binisita si ex-VP Leni

Gayunman, handa na raw si Ong sa kung anoman ang maging resulta ng pinagdaanan niyang pagsusuri hinggil sa kaniyang sakit.

“Kapag sinabing walang pag-asa, e ‘di tapos. That’s it pansit,” aniya.

Matatandaang sa isang bahagi ng panayam ay nabanggit ni Ong ang problema ng healthcare sa Pilipinas na aniya’y mabagal.

MAKI-BALITA: Doc Willie Ong, nababagalan sa healthcare ng Pilipinas