September 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Caloy, nag-i love you agad kay Chloe kahit 10 days pa lang magka-talking stage

Caloy, nag-i love you agad kay Chloe kahit 10 days pa lang magka-talking stage
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT)

May ibinuking si Chloe San Jose tungkol sa jowa niyang si  two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos “Caloy” Yulo noong magka-talking stage pa lang sila.

Sa latest episode kasi ng “Toni Talks” nitong Linggo, Setyembre 22, nausisa ang dalawa kung kailan nila naramdaman na papunta na sa ibang level ang kanilang feelings.

“Kailan n’yo na naramdaman na from being tropa to moving something else na?” usisa ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.

“Siya po,” tila nahihiyang tugon ni Chloe sabay turo kay Caloy.  “10 days pa lang po [kaming magka-text] nag-i love you po siya agad sa akin.”

Relasyon at Hiwalayan

Kim Jones, tinulungan si Jericho Rosales sa major decisions nito

Ayon kasi kay Caloy, kinilig na raw umano siya that time kahit hindi pa sila nag-uusap ni Chloe via phone call.

Pero hindi raw muna sinuklian ni Chloe ang nasabing mensahe ni Caloy. Sa halip ay ibinalik daw niya ang  paksa sa kung ano ang pinag-uusapan nila bago ito naghayag ng nararamdaman.

Inamin naman ni Chloe na kinilig daw siya sa “I love you” ng Filipino gymnast. 

Matatandaang si Chloe ang unang gumawa ng paraan upang mapansin ni Caloy sa pamamagitan ng isang TikTok video na ibinahagi niya.

MAKI-BALITA: Jowa ni Carlos Yulo, unang 'nagda-moves' sa kaniya

Sa kasalukuyan, going strong ang relasyon nina Chloe at Caloy. In fact, ayon sa huli, nakikita raw niya ang kaniyang jowa bilang “the one.”

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, ready na bang maging tatay?