October 05, 2024

Home SHOWBIZ

‘Yung TV!’ Netizens dinogshow bonding moments ng mag-inang Jinkee, Princess Pacquiao

‘Yung TV!’ Netizens dinogshow bonding moments ng mag-inang Jinkee, Princess Pacquiao
Photo courtesy: Jinkee Pacquiao (IG) and screenshot from Jinkee Pacquiao (FB)

Tila hindi pa rin moved-on ang netizens at hanggang ngayon ay nilalaro pa rin ang comment section sa isang Facebook reels ni Jinkee Pacquiao matapos niyang ibida ang dapat sana’y simpleng bonding lamang nilang nila ng isa sa mga anak na babae nila ni Manny Pacquiao na si Princess noong Setyembre 17, 2024.

Sa Facebook post ni Jinkee, ipinakita niya ang bonding moments nila ni Princess na nakatakda na umanong umalis upang magkolehiyo.

Facebook

“Laro muna bago si Princess umalis sa kwarto n’ya kasi mag-college na, mamimiss n’ya room niya.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Makikita sa nasabing video ang paglalaro nila ng volleyball sa loob ng kwarto ni Princess, na agad namang pumukaw sa mga mata ng netizens dahil umano sa lawak nito at ang tila balewala lang daw na flat screen tv kung matamaan ng bola.

“POV: Tinamaan ng bola yung tv, hayaan mo bili na lang tayo bago agad.”

“Wow sana all! Kwarto lang sa inyo, amin buong bahay na.”

“Naku lagot kayo kay Pacquiao kapag tinamaan ang tv!”

“Natamaan yung tv.

Princess: Pa, nasira yung tv.

Inabutan ng card.

Pacman: Bilhin mo na yung buong appliance center!”

“Tell me you’re rich, without telling me you’re rich.”

“Ma’am baka matamaan ang tv! Kung ayaw niyo sa tv akin na lang.”

“Pwede bang hingin yung tb kapag natumba?”

Sa dulo ng nasabing reels, wala naman tinamaan na kahit ano sa loob ng kwarto matapos bigong maipasa ni Princess ang bola sa direksyon pabalik kay Jinkee na siyang malapit sa TV.

Kate Garcia