October 05, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Un/Happy For You tumabo ng ₱450M worldwide; cast, thanksgiving dinner, idinaos

Un/Happy For You tumabo ng ₱450M worldwide; cast, thanksgiving dinner, idinaos

Kumita ng ₱450 million sa pagpapalabas worldwide ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na "Un/Happy For You" ayon sa anunsyo ng ABS-CBN Films Productions, Inc.

Co-produced ang pelikula ng VIVA Films dahil nasa ilalim ng pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA) si Julia. 

Ayon sa Facebook post ni ABS-CBN entertainment journalist MJ Felipe, nagsagawa ng thanksgiving dinner ang ABS-CBN executives para sa cast at production team ng pelikula dahil sa panibagong milestone na ito.

Dapat nga itong ipagdiwang dahil sa kasalukuyan ay hamon sa industriya ng pelikula ang pagpapanumbalik sa sigla ng moviegoers na manood sa mga sinehan.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

Ang pelikula ng JoshLia ang unang pelikula ng 2024 sa mga sinehan na masasabing box-office talaga, matapos ang naging tagumpay ng 2023 Metro Manila Film Festival noong Disyembre hanggang unang linggo ng Enero.