October 05, 2024

Home SHOWBIZ

TikTok video ng Blue's Clues host na si Steve Burns, binaha ng sentimyento

TikTok video ng Blue's Clues host na si Steve Burns, binaha ng sentimyento
Photo courtesy: Screenshot from KIDS GLOBAL (YouTube) and Steve (TikTok)

Tila “healing your inner child” ang nangyari sa isang TikTok video ng dating host ng sikat na TV show noon na “Blue’s Clues” na si Steve Burns matapos bumuhos ang animo’y sentimyento ng netizens sa comment section nito.

Si Steve ang sikat na host ng 1996 children TV show na Blue’s Clues kung saan tila nagsilbi siyang kaibigan ng marami sa bawat episode nito. Taong 2001 naman nang ianunsyo niya ang opisyal na pag-alis sa nasabing tv show matapos ang anim na taon.

Kasalukuyang gumagawa ng TikTok video si Steve na umano’y binansagan ng “internet therapist” ng netizens.

Samantala, sa isang TikTok video nga nito noong Setyembre 8, 2024, matapos niyang kumustahin ang followers niya, usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang naging sagot ng mga ito na siyang patunay umano ng pagbabago ng kanilang buhay mula nang nakasama nila si Steve noong 1996.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“I finally got my apartment, Steve! I’m no longer homeless now! My sons watch the Blue’s clues movie everyday and I tell them about I was a big fan of yours at their age.”

“Life is lifeing Steve. You didn’t prepare me for this.”

“Ohh Steve life is falling apart I wish we could go back to look for clues.”

“Hi Steve! My 10-year cancer free anniversary is in 3 days so I’m really excited about that!

“I made it, Steve. I stayed. I didn't leave this Earth. I have a wonderful Husband and a two beautiful Children that watch Blue’s Clues. I am sad tho.”

“It’s hard out here Steve”

Samantala, hindi lang sa international fans bumuhos ang sentimyento sa content ni Steve, isang Facebook page din na may pangalang Follow The Trend Movement (FTTM) sa bansa ang sumakay dito.

“Ang hirap pala rito, Steve, laki akong ginaganun,” saad ng post ng FTTM sa kanilang Facebook page noong Setyembre 21, 2024.

Ang hanggang ngayon bumubuhos pa rin ang ilang komento ng netizens sa nasabing TikTok content ni Steve na ngayo’y umabot na sa 28 million views.

Kate Garcia