October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Sharon Cuneta, nag-react sa picture niyang inilalagay sa buffet

Sharon Cuneta, nag-react sa picture niyang inilalagay sa buffet
Photo Courtesy: Sharon Cuneta (IG)

Nagbigay ng reaksiyon ang Megastar na si Sharon Cuneta sa isang larawan kung saan makikita ang picture niya malapit sa mga nakahandang pagkain.

Sa latest Instagram post ni Sharon nitong Linggo, Setyembre 22, sinabi niya na sumasaya raw siya tuwing makikita ang picture niya sa buffet.

“Hahahahahahaha! When I see buffets with my ‘balutin mo ako…’ picture it makes me happy!!’” saad ni Sharon.

Dagdag pa niya: “I love you. Have blessed day!!!”

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"party party po kami mamaya mama babe kung pwede lang talaga na nandun po kayo we love you po"

"Blessed Sunday Morning po! Ate @reallysharoncuneta I mis you na po"

"Shainghaiiii pleaseeee @reallysharoncuneta culture na ata ng mga pilipino yan ma HHAHAHHAA HAPPY SUNDAY!"

"Bastat may kainan laging kasama si Mega"

"Nakakatawa Ate pero wag naman over. Respect pa rin dapat. "

"kaka share ko lang ng pic na to sa GC ng Shawienation defenders yesterday!, ang kyuttiieee "

Tila nakadikit na talaga ang pangalan ng Megastar sa mga handaan dahil sa kanta niyang “Bituing Walang Ningning” kung saan matatagpuan sa bahagi ng kanta ang lirikong “Balutin mo ako.”

Kaya naman tila naging code na sa mga pagdiriwang ang “ipag-Sharon mo ako” bilang code sa pagbabalot ng handang maiuuwi. 

Matatandaang nauna nang napag-usapan ang tungkol dito nang sumalang si Sharon sa vlog ng kumapare niyang si Ogie Diaz na “Ogie Inspires” noong Pebrero 2023.

MAKI-BALITA: Sharon, na-ooffend nga ba kapag binabanggit ang pangalan sa handaan?