October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pinabayaan sarili? Andi sinabihang maganda nga pero dugyot naman

Pinabayaan sarili? Andi sinabihang maganda nga pero dugyot naman
Photo courtesy: Screenshots from Andi Eigenmann (IG)

Nagbigay ng reaksiyon ang dating aktres at anak ni Jaclyn Jose na si Andi Eigenmann sa komento sa kaniya ng isang netizen na tila pinabayaan na raw niya ang sarili matapos mamuhay sa Siargao kasama ang partner na si Philmar Alipayo at kanilang supling.

Ibinahagi mismo ni Andi sa kaniyang Instagram story ang sinabi sa kaniya ng netizen na kesyo maganda pa naman daw sana siya subalit "dugyot" lamang.

Nagbahagi kasi si Andi ng ilang mga larawan nila habang nag-eenjoy sa beach ng Siargao at nagse-surfing.

"Maganda ka nga andie sana uwag mo pabayaan sarili mo sabi nila naging dugyot kana sayang naman pinalaki ka ng mama mo na halos di madapuan ng lamot [lamok] at langaw now dugyot ang sabi nila syo."

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Text caption naman dito ni Andi, "HELLLLPPPPPP MEEEE. i kennet breatheeeee."

Photo courtesy: Andi Eigenmann (IG)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Call her dugyot all u want, pero sure ako mas maganda sya dun sa basher."

"Ay bet ko ugali ni Andi. Pwede naman niya laitin pabalik ang basher niya pero di niya ginawa."

"May truth ang comment hahaha peace."

"She’s far from dugyot. And real class means confidence from the inside Kahit Ano suot at Ayos mo kahit sino kasalamuha mo. Sure ako trying hard at social climber ang nag comment. May mga Nakita ako interview pinoy getting upset at Koreans for looking down on us Pero Eto kayo worse that them always putting down your own."

"Laughing pero deep inside she must be hurting."

"She's happy and the right word is not dugyot. But simpleng andi na lang. No make and no frills, just an ordinary beautiful gurl! Kayo anio na na? Kumusta naman ang mga pagmumukha!? Hahaha."

Batay sa simpleng reaksiyon ni Andi ay tila wafakels siya sa nabanggit na komento dahil kontento siya sa kung anuman ang buhay na mayroon siya ngayon at tinalikuran ang masalimuot na mundo ng showbiz.