September 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Naloka ako!' Flight attendant na misis ni Zeus Collins, inisyung may 'sugar daddy'

'Naloka ako!' Flight attendant na misis ni Zeus Collins, inisyung may 'sugar daddy'
Photo courtesy: Pauline Redondo Arellano (FB)

Usap-usapan ang mga larawan ni Pauline Redondo Arellano, ang flight attendant na misis ng dating Hashtags member na si Zeus Collins, matapos malisyahin ang kasamang lalaki habang nasa loob ng aircraft.

"my VVIP pax on board for todays flight to Bangkok!" mababasa sa caption ni Pauline sa kaniyang Facebook post.

Sa litrato, ang lalaking kasama ni Pauline ay tila nakanguso pa sa kaniya, na nagbabadya ng "kiss."

Bintang ng ilang mga netizen, ang kasama raw ni Pauline ay "sugar daddy" niya.

Tsika at Intriga

Angelica Yulo may 2nd award: 'Most Exceptional Woman of the Year!'

Netizen 1: “bzta pera pag uusapan wala sa edad yan”

Netizen 2: “suggar daddy”

"Naloka ako," ang tanging nasabi na lamang ni Pauline.

my VVIP pax on board for todays flight... - Pauline Redondo Arellano | Facebook

Ang "sugar daddy" ay isang slang term na karaniwang ginagamit para tukuyin ang isang lalaking mayayaman at karaniwang mas matanda na nagbibigay ng suporta o regalo sa isang mas bata o mas kabataang tao, partikular na sa konteksto ng romantic relationship o pagkakaibigan.

Ang suportang ito ay madalas na pinansiyal, ngunit maaari ring maglaman ng iba pang mga benepisyo tulad ng regalo, paglilibang, o pagtuturo.

Naloka si Pauline dahil "daddy" naman talaga ang kasama niya subalit hindi sugar daddy, dahil tatay niya talaga ito!

Natatawang ni-reshare na lamang ni Pauline ang isang entertainment post patungkol sa mga malisyosong komento ng netizens na kahit siya ay hindi niya kinakaya.

daddy - Pauline Redondo Arellano | Facebook

Batay sa ilang mga komento, ang tatay ni Pauline na si Richard Redondo ay isang barangay captain.

Narito naman ang ilan sa mga naging reaksiyon at komento ng netizens.

"Yan talaga mga tao. ..hindi mO pa nga Kilala Ang Isang taO. ..hihusgahan na ka agad. ."

"masyadong mapanghusga ang mga tao, pic lang yan ha?"

"Mga walang magawa haha"

"Tatay po nya yan..kapitan po namin yan sa aming barangay..."

"Yan Ang aming kapitan Richard Redondo Barangay Amungan"

"Nakakaloka nga hahaha."

"Ang daming judgemental sa Mundo kht hnd pa nila lubusang kilala ung tao.diyosko konting hiya nmn sa katawan.saka karamihn sa mga judgmental pag inalam mo mga Buhay Sila pa Yong mas madumi kysa inaakala nila sa iba."

Ikinasal sina Pauline at Zeus noong Disyembre 2023.