October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Mama Loi, ibinahagi encounters sa mga artistang tsinitsismis nila ni Ogie Diaz

Mama Loi, ibinahagi encounters sa mga artistang tsinitsismis nila ni Ogie Diaz
Photo Courtesy: Screenshot from Aiko Melendez (YT), Ogie Diaz (FB)

Inamin ng co-host ni showbiz insider Ogie Diaz sa “Showbiz Updates” na si Mama Loi na halos 80 % daw ng mga artista ay nakatrabaho na niya noong siya ay stylist at costume designer pa lang.

Kaya naman sa latest vlog ni actress-politician Aiko Melendez kamakailan, naitanong kay Mama Loi kung ano nga ba ang pakiramdam nila sa tuwing makikita ang kaibigang artista na tsinitsismis nila.

“Awkward,” natatawang sagot ni Mama Loi. “‘Pag halimbawa may mga hot issues tapos biglang makikita mo…syempre medyo awkward.”

“Pero lagi ko lang iniisip, trabaho. Parang hindi man kami nagbalita no’n, mayro’n at mayro’ng magbabalita. So, ako…I treat it as a job,” wika niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Dagdag pa niya: “Sabi ko nga, bakit kaya magagalit sa ‘yo ‘yong ibang tao na ibinalita mo na ganito pero ‘pag narinig nila halimbawa sa TV Patrol o kaya sa 24 Oras, ‘di naman sila nagagalit.”

Sa kabutihang-palad, ayon kay Mama Loi, wala pa naman daw kumokompronta sa kanilang artista dahil tsinismis o ibinalita nila.