December 22, 2024

Home SPORTS

Jowa ni EJ Obiena sumama sa cleanup drive sa Pasay; ikinumpara kay Chloe

Jowa ni EJ Obiena sumama sa cleanup drive sa Pasay; ikinumpara kay Chloe
Photo courtesy: Caroline Joyeux (IG)/Carlos Edriel Yulo (FB)

Proud boyfriend si Olympics at world no.3 Filipino pole vaulter EJ Obiena sa kaniyang girlfriend na si Caroline Joyeux matapos sumali sa International Coastal Cleanup Drive sa Pasay City nitong Sabado, Setyembre 21.

Ginanap ito sa Central Park malapit sa SM Mall of Asia sa nabanggit na lungsod.

Makikita sa Instagram story ni EJ ang pag-flex niya sa kaniyang jowang afam.

"She is nice to the environment more than to me," anang EJ.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"In all seriousness, I'm proud of this munchkin," dagdag pa niya.

Ang gawain ay inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang GMA Network, na may temang "Kapuso at Kasambuhay ng Kalikasan."

Photo courtesy: Screenshot from EJ Obiena (IG)

Si Caroline ay isang German athlete at nagkakilala sila ni EJ sa isang training sa Italy. 2020 nang maging sila.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"EJ Obiena at Caroline Joyeux Magandang Halimbawa sa Kabataan at Pasok sa Kulturang Pinoy."

"Thank you Caroline, EJ fiancee & all Pinoy Green Earth Wariors for being part of saving Phil environment. Your simplicity & down to earth character like EJ remains with you no matter what both of you achieved!!! You'll get the love of Pinoys for having Pinoy good heart!!"

"You and EJ make a wonderful couple! The world needs you guys. Thank you."

"Both of them did a good job. Very good example and a ROLE MODEL specially to their generation and to everyone!!! GO,GO,GO!!!"

"I love this couple. They embody humility and integrity."

Sa comment section naman ng ulat ng GMA News tungkol dito ay hindi naman naiwasan ng mga netizen na maihambing si Caroline kay Chloe San Jose, ang partner ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Narito ang ilan sa mga komento:

"Yan ang gf at magiging asawa support sa bf or husband to be kc mas mahalaga pa rin talaga ang reputasyon hirap bilhin ang manners..."

"wow sana ganito bruhang babae ni Caloy love ang pamilya ni EJ proud of you"

"paglinisin si Goldie"

"Samantalang yong Golden boy andun palagi sa tabi ng gf nya"

"Cloy and Goldie will not participate on that kind of events,coz they cannot find money in a dirty places and surroundings like that ,it's money they need to please themselves."

"ito inspiration...di yung ibang girlfriend na palasagot sa mga issue dada ng dada"

"Ang layo ng character ni caroline golden heart kay golden girl keep it up caroline and God Bless you always"

"Si Cloe ni Caloy saan busy?"

Samantala, ilang netizens din naman ang pumalag at ipinagtanggol si Chloe sa bashers na kahit wala namang kinalaman daw sa post ay pilit ginagawan ng isyu.

"Kahit walang kinalaman si Chloe pilit pa rin talagang nili-link sa kanya. Utak nyo talaga eh no?"

"Oh bakit naman nasama 'yong isa? No need to compare guys, maawa naman kayo."

"Sabi na eh mga nanay ang magkukumpara kina EJ at Kaloy. Hahahahahahahahahahaha."

"may boomers nanaman na ipagkukumpara si EJ obiena and Carlos Yulo unahan ko na. 'Kahit hindi nanal0 ng gold si EJ, atleast mapagmahal sya sa pam1lya nya.'"

"Tigilan n'yo na si Chloe inaano ba kayo..."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Chloe o ni Carlos patungkol sa mga pagkukumpara ng netizens sa kanila kina EJ at Caroline.

KAUGNAY NA BALITA: EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?