October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Jericho Rosales, tumataba ang puso dahil sa mga bagets na kinikilig sa kaniya

Jericho Rosales, tumataba ang puso dahil sa mga bagets na kinikilig sa kaniya
Photo Courtesy: Screenshots from Maricel Soriano (YT)

Nagbigay ng reaksiyon si Asian Drama King Jericho Rosales sa mga bagets na naghahayag pa rin ng paghanga sa kaniya sa kabila ng kaniyang kasalukuyang edad.

Sa latest episode ng vlog ni Diamond Star Maricel Soriano nitong Sabado, Setyembre 21, sinabi ni Jericho na nakakataba raw ng pusong malaman na may mga kinikilig pa rin sa kaniya.

“Syempre nakakakilig na gano’n. But not to me na patulan ko sa isip ko ‘yong gano’n. It’s just makes me kilig. [...] Nakakataba ng puso, para gano’n,” saad ni Jericho.

“You’ve been through so many events in your life, ang dami mo nang nakitang events and yet nakakasakay ka pa rin do’n sa panahon,” wika niya.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Dagdag pa ng aktor: “So, minsan feeling mo para kang bampira. ‘Yong gano’n, ‘di ba? Ang dami mo nang nakitang henerasyon…tapos nandyan ka pa rin. Sila pa rin ‘yong kasama mo.”

Pero sa ngayon, tanging ang co-star ni Jericho sa teleseryeng “Lavender Fields” na si Janine Gutierrez ang nag-iisang babae sa buhay niya matapos maiulat ang hiwalayan nila ng dating asawang si Kim Jones.

MAKI-BALITA: Jericho Rosales sa real-score nila ni Janine Gutierrez: 'We're going out'