November 25, 2024

Home BALITA National

Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa -- PAGASA

Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa -- PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Inaasahang makararanas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Linggo, Setyembre 22, bunsod ng southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang habagat ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Region, Batanes, at Babuyan Islands.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Bukod dito, magdudulot din ang habagat ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms sa Cordillera Administrative Region at mga natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms naman ang posibleng maranasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay binabantayan pa rin naman ng PAGASA ang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na dating bagyong Igme. 

Ayon sa weather bureau, huling namataan ang nasabing bagyo 535 kilometro ang layo sa north northwest ng Itbayat, Batanes.

Bagama't hinahatak nito ang habagat, wala naman na raw direktang epekto ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa.