September 23, 2024

Home SHOWBIZ

Chloe San Jose sa pamilya ni Carlos Yulo: 'Family should be the first ones to love you'

Chloe San Jose sa pamilya ni Carlos Yulo: 'Family should be the first ones to love you'
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT), Angelika Yulo (FB)

Inamin ni Chloe San Jose na nasasaktan daw siya sa pinagdadaanan ng jowa niyang si two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Setyembre 22, sinabi ni Chloe na minsan na rin daw kasi niyang naranasan ang pinagdaanan ng jowa niya.

“Syempre nasasaktan po ako kasi it happened to me na. So, I know how it feels like na your own blood is like parang putting you down. Hindi naniniwala sa ‘yo. Ganyan-ganyan,” lahad ni Chloe.

“Yeah, family first pero family should be the first ones also na sinusuportahan ka, pinoprotektahan ka. So why is it the opposite? Sila ‘yong nangunang mag-down sa ‘yo; sila ‘yong unang hindi naniwala sa ‘yo.” wika niya.

Tsika at Intriga

Angelica Yulo may 2nd award: 'Most Exceptional Woman of the Year!'

Dagdag pa niya: “So parang sa akin po, hindi po nagtutugma sa akin ‘yong ‘family first dapat.’ So, family first should be the first ones to love you and support you unconditionally.”

Matatandaang kamakailan lang ay nagsalita ang tunay at biological mother ni Chloe sa eksklusibong pakikipag-ugnayan ng Balita matapos madawit ang pribado at nananahimik na buhay dahil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Carlos at ng pamilya nito.

MAKI-BALITA: Biological mom ni Chloe San Jose nagsalita na; relasyon sa anak, 'di rin maganda?