September 22, 2024

Home BALITA National

BJMP, nakahanda na sa paglipat kay Alice Guo sa Pasig City Jail

BJMP, nakahanda na sa paglipat kay Alice Guo sa Pasig City Jail
Alice Guo (file photo)

Nakahanda na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para sa paglilipat kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Jail.

Ayon kay BJMP spokesperson Supt. Jayrex Bustinera sa ulat ng Manila Bulletin, hinihintay na raw nila ang Philippine National Police (PNP) na makumpleto ang kinakailangang mga dokumento sa pag-transfer kay Guo mula Camp Crame patungong Pasig City Jail Female Dormitory. 

Siniguro rin ni Bustinera na hindi nila bibigyan ng “special treatment” si Guo at ihahalo raw sa ibang mga inmate.

“It is what it is, kung ano ang sitwasyon ‘yun po talaga, ihahalo na po, wala pong bakanteng paglalagyan siya,’’ saad ni Bustinera.

National

'A master stroke!' Guanzon, nag-react sa pagbisita ni VP Sara kay Ex-VP Leni

Matatandaang kamakailan lamang nang iag-utos ng Pasig Regional Trial Court (RTC) na ilipat si Guo mula sa Camp Crame patungo sa Pasig City Jail Female Dormitory kaugnay umano ng kinahaharap nitong kaso ng qualified human trafficking.

MAKI-BALITA: Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking