September 21, 2024

Home SHOWBIZ

Kahit 45-anyos na: Jericho Rosales, bet pa rin magkaanak nang marami!

Kahit 45-anyos na: Jericho Rosales, bet pa rin magkaanak nang marami!
Photo Courtesy: Karen De La Fuente via Jericho Rosales (IG)

Sinagot ng Asian Drama King na si Jericho Rosales ang tungkol sa posibilidad na muling magkaroon ng marami pang anak in the near future.

Sa latest episode ng vlog ni Karen Davila noong Biyernes, Setyembre 19, naitanong ng Kapamilya broadcast-journalist ang tungkol sa nasabing bagay.

“Do you still want more children in the future?” usisa ni Karen.

“Of course,“ tugon ni Jericho. “The quick answer is yes. I can’t say no to that.”

Tsika at Intriga

Andrea Brillantes, mas hot daw kaysa kay Xyriel Manabat

Pero sa ngayon, hindi pa raw kaya ng aktor. “I’m restarting my career, my life. Parang ganyan.”

Matatandaang sampung taong kasal si Jericho kay Kim Jones bago nila tuluyang tinuldukan ang kanilang pagsasama noong 2019. 

Pero bago pa man ito ay may isa na siyang anak kay Kai Palomares na si Santino, isinilang noong Disyembre 11,  2000.

Sa kasalukuyan, ang babae sa buhay ni Jericho ay ang Lavender co-star niyang si Kapamilya actress Janine Gutierrez.

MAKI-BALITA: Jericho, ibinahagi 6-hour date nila ni Janine