September 21, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe San Jose, sumagot sa kuda ng netizen na makipag-ayos na sa pamilya Yulo

Chloe San Jose, sumagot sa kuda ng netizen na makipag-ayos na sa pamilya Yulo
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)/Angelica Poquiz Yulo (FB)

Sinagot ng kontrobersyal na personalidad na si Chloe San Jose ang isang netizen na nagpayong simulan na niya ang reunion at kompromiso para sa pag-aayos nila ng pamilya ng boyfriend na si Carlos Yulo.

Sa latest social media post kasi ni Chloe, ibinida niya ang travel nila ni Caloy sa South Korea.

Dear Seoul, you had us at... - Chloe Anjeleigh San Jose | Facebook

Sa comment section, isang netizen ang nagbigay ng unsolicited advice.

Tsika at Intriga

Angelica Yulo nagbabala tungkol sa mga impostor niya; nagmo-move forward na

"Try to reunite and compromise with Caloy's family. Chloe Anjeleigh San Jose you both will be blessed more," anang netizen.

Sagot ni Chloe, "[Pangalan ng netizen] reunion and compromise isn't going to happen when the other party's not willing to do so too."

Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang couple sa pamilya ni Caloy matapos ang kanilang girian dahil sa pera at kay Chloe.

Nag-offer na nga ng ₱5M ang politiko-negosyanteng si dating Ilocos Gov. Luis "Chavit" Singson para lamang sa reconciliation ng dalawang partido, na wala pang update o balita kung nangyari na nga.

MAKI-BALITA: Chavit may pa-₱5M kay Carlos Yulo para sa unity ng pamilya at jowa

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang sagutan nina Chloe at tatay ni Caloy na si Mark Andrew Yulo.

Ayon kay Chloe, makailang beses umano silang nag-reach out sa mga magulang ni Caloy subalit hindi raw sila pinansin.

MAKI-BALITA: Tatay barado; Caloy, sinumpa ng madir na gagapang sa lupa, buking ni Chloe

Buwelta naman ni Mark Andrew, tinatawagan nila ang dalawa subalit hindi raw nila sinasagot ito.

MAKI-BALITA: Buwelta ng tatay: Caloy mag-sorry, tinawag nanay niyang magnanakaw!

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng pamilya Yulo patungkol sa naging komento ni Chloe sa netizen.