September 21, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Angelica nagmo-move forward na, pinagpapasa-Diyos mga naninira sa kaniya

Angelica nagmo-move forward na, pinagpapasa-Diyos mga naninira sa kaniya
Photo courtesy: Angelica Poquiz Yulo (FB)/Freepik

Sinabi ng ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo na nagmo-move forward na sila sa eskandalo ng girian nila ng anak, at ipinagpapasa-Diyos na lamang ang mga naninira sa kaniyang pangalan.

Kaugnay ito sa babala ni Angelica na maging vigilant ang mga netizen dahil may gumagamit daw sa kaniyang pangalan at larawan para gumawa ng pekeng social media accounts at pekeng posts para siya ang i-bash at pag-initan ng netizens.

MAKI-BALITA: Angelica Yulo nagbabala tungkol sa mga impostor niya; nagmo-move forward na

"Be vigilant !!!! May mga naglalabasang mga fake accounts ko po and may mga quote cards pa," saad ni Angge.

Tsika at Intriga

Andrea Brillantes, mas hot daw kaysa kay Xyriel Manabat

Paliwanag ni Angelica, iisang FB account lang ang ginagamit niya.

"Inuulit ko po Iisa lang po ang facebook acct ko wala nang iba pa.. aside from my live selling wala na po akong ibang post, we're trying to move forward po. God bless sa mga naninira po sa akin," aniya pa.