September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Niana Guerrero, pinaplano na ring pasukin ang showbiz?

Niana Guerrero, pinaplano na ring pasukin ang showbiz?
Photo Courtesy: Niana Guerrero (IG)

Nagbigay ng sagot ang social media personality na si Niana Guerrero kaugnay sa posibleng pagpasok niya sa showbiz industry nang tanungin siya ni Asia’s King of Talk Boy Abunda tungkol dito.

Sa isang episode ng “Fast Talk” kamakailan, sinabi ni Niana na hindi raw niya isinasara ang oportunidad na sumabak sa showbiz.

“Right now since I’m doing all of the whole social media stuff thing, I’m really enjoying it as of now. But I don’t know. I’m not closing any door,” saad ni Niana.

“You want to do some acting thing now?” sundot pa ni Boy.

Relasyon at Hiwalayan

Jericho, ibinahagi 6-hour date nila ni Janine

Sagot naman ni Niana: “Well, right now I don’t know. But we’ll see.”

Kaya payo na lang ng King of Talk, i-enjoy na lang muna ni Niana sa ngayon kung anong mayroon siya.

“Just ride a tide,” saad ni Boy. “I mean, dadalhin ka kung saan ka nararapat.”

Sa kasalukuyan ay itinuturing si Niana bilang sa mga most followed social media personality sa Pilipinas na may ilang milyong followers sa iba’t ibang social media platform.

Matatandaang finollow si Niana noong 2023 ng Korean superstar na si Jungkook sa kaniyang TikTok account matapos nitong mapansin ang entry niya sa dance challenge na "Seven (feat. Latto)."