December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kim Jones, tinulungan si Jericho Rosales sa major decisions nito

Kim Jones, tinulungan si Jericho Rosales sa major decisions nito
Photo Courtesy: Screenshots from Karen Davila (YT)

Kahit hiwalay na raw bilang mag-asawa ay nananatili pa ring magkaibigan sina Jericho Rosales at Kim Jones.

Sa latest vlog ni Kapamilya broadcast-journalist nitong Huwebes, Setyembre 19, inamin ni Jericho na tinulungan daw siya ni Kim sa mga malalaking desisyon niya sa buhay.

Ayon sa aktor, nakabuo raw sila ni Kim ng isang matibay na ugnayan na noong una ay tila imposible kung maituturing.

“How would people understand this, you know? How would they take this—two people can be friends? The whole 10 years, she was my best friend. Helping me out with major decisions in life; supporting my every major decision. She pushed me to go to Africa; to New York,” lahad ni Jericho.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“She just pushed me and pushed me to and said you have to grow; you have to find yourself. Parang may moments na bestfriend kami. May moments [na] ‘Karate Kid.’ Siya ‘yong Mr. Miyagi….and ako rin sa kaniya gano’n,” wika niya.

Dagdag pa niya: “So it taught me things can take different shapes, you know. Humans are capable of love. Just capable of like making things regrow and make beautiful things.”

Matatandaang Enero kinumpirma ni Ricco Ocampo, malapit na kaibigan nina Jericho at Kim, ang hiwalayan ng dalawa na nangyari noon pa raw 2019.

MAKI-BALITA: Matapos ang 10 taong pagsasama: Jericho Rosales, Kim Jones hiwalay na!

Pero bago pa man ito, pinagdudahan na rin ng madla ang estado ng kanilang marriage noong tumawa at umiwas si Jericho imbes na sagutin ang tanong ng Philippine Entertainment Portal o PEP tungkol dito.

MAKI-BALITA: Jericho Rosales, Kim Jones, split na rin? Intriga, tinawanan lang ng aktor