September 20, 2024

Home BALITA National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'
Rowena Guanzon at Ben Tulfo (File photo)

May tanong si dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon tungkol sa broadcaster na si Ben Tulfo.

Sa kaniyang X post nitong Biyernes, Setyembre 20, tinanong ni Guanzon kung sino ba umano si Tulfo at ano ang nagawa niya para sa bansa.

“Teka who is Ben Tulfo? What has he done for the country? Enlighten me,” ani Guanzon sa kaniyang post.

Ang naturang post ni Guanzon ay matapos ilabas kamakailan ng OCTA Research ang resulta ng kanilang survey kung saan nanguna si Tulfo, at maging ang kapatid niyang si ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, sa nais daw ng mga Pilipino iboto sa 2025 midterm elections.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Base sa Third Quarter Tugon ng Masa Survey ng OCTA, 57% ng mga Pilipino ang nagsabing si Ben ang kanilang iboboto kung ngayon ginanap ang eleksyon.

MAKI-BALITA: Tulfo brothers, nanguna sa senatorial survey ng OCTA

Sina Ben at Erwin ay kapatid ni Senador Raffy Tulfo.