September 20, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Gabby Concepcion, bukas sa movie reunion nila ni Sharon pero may kondisyon

Gabby Concepcion, bukas sa movie reunion nila ni Sharon pero may kondisyon
Photo Courtesy: Gabby Concepcion (IG), Screenshot from Viva (YT)

Ano nga kaya ang hinihinging kondisyon ng aktor na si Gabby Concepcion para matuloy ang movie reunion nila ng dati niyang asawang si Megastar Sharon Cuneta?

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Huwebes, Setyembre 19, ibinahagi raw ni Gabby na magandang kuwento ang kailangan upang magbalik-tambalan muli sila ni Sharon sa pelikula.

“I’ll be honest with you, guys. I’m very particular with the story. Hindi lang porke, 'Ahh may pelikula kami ni Sharon. Ahh ‘yong movies namin nag-click. Ahh ki-click ito,' hindi!” saad ni Gabby.

“Dapat maganda rin ang istoya para sa kanila din naman, para sa atin din. Para ‘pag napanood natin, you feel good. We all feel good,” aniya.

Pelikula

'Nangangamoy international!' First Filipino zombie film sa Netflix, hinangaan ng netizens

Dagdag pa ng aktor: “Marami na akong tinanggihan na script ng mga producers for a Gabby-Sharon movie, because nakita ko… ako, ha? Nakita ko na ‘yong pattern niya is the same.”

Kaya naman ang gusto raw talaga ni Gabby ay bago. In fact, may mga ideya rin daw siya. At oras na mabuo nang tama ang lahat, game siyang gawin.

Pero sa ngayon, abangan na lang muna ng fans ang Dear Heart USA-Canada Tour 2024. Sa darating na Oktubre 26, nasa Southern California sila. Sa Oktubre 27, sa Beverly Hills. Sa Nobyembre 15 sa Lincoln, California. Sa Nobyembre 17,  pa-Las Vegas naman ang tahak nila, at sa Honolulu, Hawaii sa Nobyembre 23.

Samantala, narito naman ang mga lugar na bibisita sila sa Canada at ang petsa ng pagpunta: Oakville sa Ontario sa Nobyembre 2; sa Winnipeg sa Nobyembre 21; at sa St. Surrey, BC sa Nobyembre 29.