September 20, 2024

Home SPORTS

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!
Photo courtesy: PBA gallery and screenshot from One Sports (FB)

Hindi nakaporma ang San Miguel Beermen matapos silang bawian ng koponan ng Rain or Shine Elasto Painters sa second round meeting nila sa season 49 ng Philippine Basketball Association (PBA) Governor’s Cup, Huwebes ng gabi, Setyembre 19, 2024 sa Ninoy Aquino Stadium, Manila City.

Nakahabol ang Elasto Painters sa fourth quarter at tuluyang umarangkada upang makuha ang ikapitong panalo sa liga matapos tapusin ang laro, 122-11. Ang Rain or Shine na ang kasalukuyang nangunguna sa Pool B ng team standing na may 7-2 record.

Bantay-sarado si reigning MVP June Mar Fajardo at nabutata pa ni Aaron Fuller sa dikdikang second quarter upang mapanatili ang kalamanagan ng Rain or Shine, 57-54.

Matatandaang si June Mar ang nagdala ng pagkapanalo ng Beermen sa first round meeting nila matapos ang buzzer beater nitong tira.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Samantala, pinangunahan naman ng beteranong si Beau Belga ang Elasto Painters matapos magtala ng 16 points na may four rebounds at five assists upang tuluyang matapos ang 11-game losing streak nila sa Beermen sa loob ng tatlong taon.

Nalimitahan sa Fajardo sa 14 points habang nagtala naman ng 27 points si CJ Perez para sa Beermen bago tuluyang mafoul-out sa huling quarter ng laro.

Kate Garcia