September 20, 2024

Home SHOWBIZ

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern
Photo Courtesy: Jeff Canoy (IG)

Sumabak ang isa sa mga miyembro ng Nation’s girl group na BINI na si Jhoanna Robles bilang intern sa binubuong docuseries ng iWantTFC na "Chapter 1: Born To Win.”.

Sa latest episode ni ABS-CBN news anchor Jeff Canoy nitong Huwebes, Setyembre 19, ipinasilip niya ang behind-the-scene footage ng nasabing docuseries.

“May naging intern kami nina Direk @jetbleyco while filming the @bini_ph docuseries,” saad ni Jeff.

Dagdag na biro pa niya: “I think may future itong batang ‘to. Magaling din daw kumanta at sumayaw.”

Pelikula

Gabby Concepcion, bukas sa movie reunion nila ni Sharon pero may kondisyon

“When po start ko? CHARIZ HAHAHAHA,” komento ni Jhoanna.

Tugon naman ng news anchor: “@bini_jhoanna November 16-18 pero busy ka ata sa mga araw na ‘yon ”

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang post ni Jeff. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Slaaaaay"

"Feeling ko maging part to ng girl group at maging bias ko"

"Master Jho a leader indeed , thinking na anjan sya sa shoot ng mga kasama nya to guide and support them .. "

"jhornalist's comeback, omggg"

"Crush ko po yang new intern nyo "

"Ganda naman po ng intern nyo, sir jeff "

"Dami pong sideline nang Master Jho namin miss na miss na namin yan lagi lagi"

"Exciteed! Congrats na po agaaad! "

Magsisimula nang mapanood ang nasabing docuseries sa darating na Setyembre 26 sa iWantTFC. 

Pero bago pa man ito ay magkakaroon na ng advance screening sa Setyembre 23 sa Gateway Cineplex Cinema 11 na may tatlong screening time: 1:00 p.m., 4:00 p.m., at 7:00 p.m.