September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mura pinabayaan na raw ng mga kaanak; 'di na maigalaw ang katawan

Mura pinabayaan na raw ng mga kaanak; 'di na maigalaw ang katawan
Photo courtesy: Screenshots from Virgelyncares (YouTube)

Emosyunal na ibinahagi ng dating komedyanteng si Allan Padua o mas kilala bilang "Mura" ang kasalukuyan niyang kalagayan matapos bisitahin ng Bicolano vlogger na tumulong na sa kaniya noon.

Sa vlog ni Virgelyncares, makikita ang kalunos-lunos na kalagayan ni Mura, na pinabayaan na raw ng kaniyang kapatid kasama ang tatay nila.

Batay sa video ay tila hirap na raw kumilos si Mura, at sa katunayan, habang kausap niya si Virgelyn ay nadumi siya sa salawal nang nakatayo.

Naiiyak na kuwento ni Mura, noong may pera pa siya ay mabilis ang kilos ng kaniyang mga kaanak, subalit nang maubos ito ay nagsilayo na rin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi rin natapos ang ipinatatayo niyang bahay dahil nahinto ito nang siya ay magkasakit. 

Agad na nagpaabot ng tulong ang vlogger para sa komedyante, at hinikayat din ang publiko na magpadala rin ng tulong kung may ekstra sila. 

Hindi ito ang unang beses na tinulungan ni Virgelyn si Mura na kaniyang hinahangaan noon pa man. 

MAKI-BALITA: "Thank you sa tulong kahit ako'y laos na": Komedyanteng si 'Mura' biniyayaan ng isang tagahangang vlogger

MAKI-BALITA: Komedyanteng si Mura, dinapuan ng malalang sakit?

Nagkaroon man sila ng di-pagkakaunawaan ay tila nagkaayos naman sila. 

MAKI-BALITA: Mura, wala raw utang na loob, sey ng vlogger na tumulong sa kaniya