September 20, 2024

Home BALITA Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Patay ang magpinsang paslit nang malunod matapos na magkayayaang maglaro sa lawa sa Binangonan, Rizal nitong Miyerkules.

Ang mga biktima ay kinilala lamang na sina alyas 'Reanna,' 11, special child, at alyas 'Miracle,' 6, kapwa ng Brgy. Ginoong Sanay, sa Binangonan.

Batay sa ulat ng Binangonan Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-3:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa Sitio Sapa, sa Brgy. Ginoong Sanay, Binangonan, na isang island barangay.

Sa salaysay ng ama ng biktimang si Reanna, nabatid na bago ang insidente ay nagtungo ang magpinsan sa lawa upang maglaro.

Metro

Negosyante, pinagbabaril sa loob ng sasakyan, patay!

Nagulat na lang umano ang mga kaanak ng mga biktima nang ibalita sa kanila ng mga kapitbahay na nalunod na pala ang magpinsan.

Mabilis na sinagip ang mga paslit at isinugod sa Margarito Duavit Memorial Hospital para malunasan ngunit patay na ang mga ito.