Masayang ibinahagi ng kontrobersyal na personalidad na si Chloe San Jose ang mga token of appreciations na ibinigay sa kaniya ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano, sa kaniyang Instagram stories.
Binigyan ng payong at bag ni Toni sina Chloe at partner na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo para sa guesting nila sa "Toni Talks."
Flinex ni Chloe ang ilang mga larawan nilang tatlo habang isinasagawa ang taping.
Batay sa text caption ni Chloe ay mukhang "heart-to-heart" ang mga napag-usapan nila, at mukhang mas makikilala pa nang malaliman ang dalawa, lalo't hindi na sila tinantanan ng bashing simula nang pumutok ang girian ni Carlos at ng kaniyang pamilya, lalo na si Angelica Yulo.