November 22, 2024

Home SHOWBIZ

Bea Binene naka-date si ex-VP Leni sa Naga: 'I still get starstruck and kilig!'

Bea Binene naka-date si ex-VP Leni sa Naga: 'I still get starstruck and kilig!'
Photo courtesy: Bea Binene (IG)

Flinex ng aktres na si Bea Binene ang bonding moment nila ni dating Vice President Leni Robredo nang bumisita ang una sa Naga.

Ayon sa Instagram post ni Bea, kahit dalawang taon na ang nakalilipas simula noong presidential elections ay nakakaramdam pa rin siya ng starstruck at kilig sa dating pangalawang pangulo.

Si Bea ay volunteered Kakampink celebrity na nangampanya sa Leni-Kiko tandem sa isinagawang sorties at campaign rallies noong 2022. 

Pero 2016 pa lamang, suportado na ni Bea si Leni sa pagtakbo nito bilang pangalawang pangulo ng bansa. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bukod kay ex-VP Leni, nakasama rin ni Bea ang dalawang anak ng una na sina Aika at Jillian Robredo. Ayon kay Bea, walang nagbago kay Leni sa pagiging humble nito. 

"Not leaving Naga without seeing you, @lenirobredo," mababasa sa post ni Bea. 

"Thank you for lunch and for making time despite your veeery busy schedule. Huhu. Always see nice to catch up even though we don't see each other that much. Happy I got to see more of Naga, that you love and care for."

"Eversince I volunteered way back 2016 until now, I still get starstruck and kilig whenever we see each other. Ever humble, ever maaasahan, always a text away, and it always feels like I've found another mother in you.  Love you always! You know the rest @atty.lenirobredo"

"Nice seeing you too, @aikarobredo @jillrobredo!" aniya.