September 19, 2024

Home BALITA National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon
photo courtesy: Bongbong Marcos/FB

Inispluk ni Vice President Sara Duterte na hindi raw sila magkaibigan ni Pangulong Bongbong Marcos at nagkakilala at nagkausap lang umano sila dahil naging running mates sila noong Eleksyon 2022. 

Sa ambush interview sa House reporters nitong Miyerkules, Setyembre 18, itinanong sa bise presidente kung nagkausap na ba sila ulit ng pangulo. 

"Wala. Hindi naman kasi kami talaga nagkausap n'yan. Hindi kami magkaibigan, unang-una. Nagkakilala lang kami dahil naging running mates kami. So, bago pa man kami naging running mates hindi na kami nag-uusap. Nagkausap lang kami during campaign at dahil sa trabaho noon, ngayon hindi na kami nagkakausap," saad ni Duterte.

Huli raw niyang nakausap ang pangulo nang mag-resign siya bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd) noong Hunyo.

National

Alice Guo, pina-cite in contempt ng House quad-committee

Matatandaang "UniTeam" ang tawag sa tandem nina Marcos at Duterte noong 2022 national elections.

Samantala, sinabi ni Duturte na ang kaibigan niya raw talaga ay si Senador Imee Marcos, kapatid ni PBBM.

"Ang kaibigan ko talaga si Senator Imee Marcos. Kilala niya ako since 2012."