December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'This is not edited!' Pa-thank you ni Heart kay Kim Jones, patutsada kay Pia?

'This is not edited!' Pa-thank you ni Heart kay Kim Jones, patutsada kay Pia?
Photo courtesy: Heart Evangelista (IG)

Usap-usapan ang Instagram post ni Kapuso star at fashion socialite Heart Evangelista sa artistic director ng luxury brand na Fendi para sa Milan Fashion Week.

Ibinahagi ni Heart ang video ng pagbasa niya sa invitation sa kaniya ng Fendi mula kay Kim.

"Dear Heart, welcome to Milano. Love, Kim Jones," mababasa sa card.

"Thank you so much. I love Kim Jones, and this is not edited," sabi ni Heart sabay kindat.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Isang netizen naman ang tila may cryptic comment kay Heart.

"Dun tayo sa realtime and not edited" aniya.

Reply naman dito ni Heart, "hahahahahah."

Photo courtesy: Screenshot from Heart Evangelista (IG)

Sey ng mga netizen, tila parinig daw ito ni Heart kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos ang backlash na inabot nito nang pagbintangang nagpo-post ng video mula sa isa sa mga show ni Carolina Herrera para masabi lang na invited siya.

Ngunit tila sumagot naman dito si Pia at sa isang Instagram post ay naglapag ng mga "resibo" na imbitado siya sa isang show ni CH pero late na siya nakarating kaya hindi siya nakapasok sa loob.

Anyways, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens tungkol sa pagtawa ni Heart sa sinabi ng isang commenter.

"This is not EDITED. Hahaha."

"Natawa ako doon sa 'hindi edited' mga 1k na tawa... I love you Heart."

"Wahahaha ohh di yan edited enjoy Ms Heart."

"HAHAHAHA NOT EDITED!!! HAHAHA"

"Hahahahaha, the shade."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Pia tungkol dito.

MAKI-BALITA: Pia, inookray na nagre-repost lang para masabing invited sa fashion events

MAKI-BALITA: Pia, naglapag ng mga 'resibo' na invited siya sa Carolina Herrera fashion show