September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sey mo Pia? Heart nag-react sa 'Dun tayo sa real time and not edited!' ng netizen

Sey mo Pia? Heart nag-react sa 'Dun tayo sa real time and not edited!' ng netizen
Photo courtesy: Heart Evangelista, Pia Wurtzbach (IG)

Naintriga ang mga netizen sa naging reaksiyon at komento ni Kapuso star at fashion socialite Heart Evangelista sa isang netizen na nag-react sa Instagram video niya, nang pasalamatan niya ang fashion designer at artistic director ng sikat na luxury brand dahil sa imbitasyon sa kaniya sa show, kaugnay ng Milan Fashion Week.

Ibinahagi ni Heart ang video ng pagbasa niya sa invitation sa kaniya ng luxury brand na Fendi mula sa artistic director nitong si Kim Jones.

"Dear Heart, welcome to Milano. Love, Kim Jones," mababasa sa card.

"Thank you so much. I love Kim Jones, and this is not edited," sabi ni Heart sabay kindat.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isang netizen naman ang tila may cryptic comment kay Heart.

"Dun tayo sa realtime and not edited" aniya.

Reply naman dito ni Heart, "hahahahahah."

Photo courtesy: Heart Evangelista (IG)

Sey ng mga netizen, tila parinig daw ito ni Heart kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos ang backlash na inabot nito nang pagbintangang nagpo-post ng video mula sa isa sa mga show ni Carolina Herrera para masabi lang na invited siya.

Ngunit tila sumagot naman dito si Pia at sa isang Instagram post ay naglapag ng mga "resibo" na imbitado siya sa isang show ni CH pero late na siya nakarating kaya hindi siya nakapasok sa loob.

Anyways, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens tungkol sa pagtawa ni Heart sa sinabi ng isang commenter.

"This is not EDITED. Hahaha."

"Natawa ako doon sa 'hindi edited' mga 1k na tawa... I love you Heart."

"Wahahaha ohh di yan edited enjoy Ms Heart."

"HAHAHAHA NOT EDITED!!! HAHAHA"

"Hahahahaha, the shade."

MAKI-BALITA: 'This is not edited!' Pa-thank you ni Heart kay Kim Jones, patutsada kay Pia?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Pia tungkol dito.