December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Kahit may Issa Pressman na: JaDine, posibleng magkabalikan?

Kahit may Issa Pressman na: JaDine, posibleng magkabalikan?
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), Issa Pressman (IG)

Sa pagbabalik ng actor, singer, at company owner na si James Reid sa pag-arte ay inilahad niya ang posibleng mangyari sa dati nilang love team ng ex-jowa niyang si Nadine Lustre. 

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” nitong Martes, Setyembre 17, sinabi ni James na sa palagay niya raw ay hindi mangyayari ang pagbabalikan nila ni Nadine bilang love team na sumikat sa tawag na “JaDine.”

“I don’t think that’s happening,” saad ni James. ”Out of respect for my girlfriend [Issa Pressman], I don’t think I’d ever do another love team.” 

“I think a lot of the audience can tell reality from showbiz when it comes to love teams. So, you know, I have respect for her. I don’t think I’d ever do that again. But acting definitely,” wika pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kaya naman panawagan ni James sa fans na mag-move on na sa nakaraan nila ni Nadine.

“It’s been a very difficult year for me also for Issa. And I’m sure for Nadine also. With all the noise, all of the bashing, sana people can move on from all of that,” aniya.

Matatandaang sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Setyembre 17, ay sinabi ni James na mayroon na raw silang napag-uusapan ng ABS-CBN executives tungkol sa pagbabalik niya sa pag-arte.

MAKI-BALITA: James Reid, looking forward sa pagbabalik niya sa ABS-CBN