September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Julia, Coco kumuha raw ng property sa Spain; doon na nga ba maninirahan?

Julia, Coco kumuha raw ng property sa Spain; doon na nga ba maninirahan?
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Now Na (YT)

Pinag-usapan ng mga host ng  “Showbiz Now Na” ang tungkol sa muling pagbalik ng celebrity couple na sina Coco Martin at Julia Montes sa Espanya.

Sa latest episode ng nasabing showbiz-oriented vlog nitong Martes, Setyembre 17, inispluk ni showbiz columnist Cristy Fermin ang mga teorya at hula ng ilang tao tungkol sa pagpunta nina Coco at Julia sa nasabing bansa.

“Maraming nagsasabi, hindi raw kaya doon na mamumuhay si Julia at ang kanilang mga anak ni Coco kaya kumuha sila ng bahay doon para sa kapribaduhan ng kanilang buhay?”

“Ay, naku,” sagot naman ng co-host niyang si Romel Chika,” for sure ‘yan. Doon na ‘yan pupunta.”

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Kami po hindi na naghihintay ng kung anomang pag-amin…mula kay Coco at Julia kung sila ba ay mayro’n nang mga anak. Sapat na po ‘yong alam namin.”

Matatandaang minsan na ring ibinuking ni Cristy sa isang episode ng Showbiz Now Na ang tungkol sa mga anak nina Julia at Coco.

MAKI-BALITA: Lantaran na kasi: Mga anak nina Coco at Julia, pinangalanan ni Cristy

Lalo pang lumakas ang intrigang ito noong minsang madulas sa isang episode ng “Wil To Win” ang TV host na si Willie Revillame sa kalagitnaan ng pagbibigay nito ng mensahe sa celebrity couple.

MAKI-BALITA: Willie, nadulas na may anak na sina Coco at Julia?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon sina Julia at Coco para kumpirmahin o pabulaanan ang nasabing intriga.