September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Di pa man umaamin: Rumored BF ni Bea, dine-date raw si Catriona?

'Di pa man umaamin: Rumored BF ni Bea, dine-date raw si Catriona?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT), Catriona Gray (IG)

Hindi pa man umaamin si Kapuso star Bea Alonzo tungkol sa real-score nila ng Pinoy British na si Michael Needham ay iniintriga na agad na hiwalay na umano ang dalawa.

Pero ang mas nakakaloka—ayon sa latest episode ng Showbiz Updates nitong Martes, Setyembre 17—ay kasalukuyang iniuugnay si Michael kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

“‘Di ba si Catriona Gray at Sam Milby wala na? Naudlot ‘yong kanilang kasal although engage sila, ‘no. Pero ang nakakaloka ngayon, split na ba si Bea Alonzo at si Michael Needham?” saad ni showbiz insider Ogie Diaz.

“May nagsasabi sa amin, sila na. Si Bea at Michael Needham. Tapos syempre hinihintay natin si Bea ‘di ba kung aamin. Tapos hindi pa nga umaamin mayroon nang nali-link na iba dito kay Michael Needham,” wika niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon sa nakapaskil umano sa forum social network na Reddit, dine-date umano ngayon ni Michael si Catriona. Mukha raw kasing parehong imbitado ang dalawa sa kasal nina Sandra Lemonon at Sol Mercado.

Ilang araw umano matapos ang kasalan, namataan daw sina Catriona at Michael na magkasama sa London. Kung pagbabatayan din umano ang recent post ni Catriona, bumalik ito sa nasabing bansa para sa isang event.

Gayunman, walang  kinumpirma si Ogie sa kahit anong detalyeng kumalat tungkol kina Catriona at Michael kung paanong hindi rin naman daw niya kinukumpirma ang tungkol sa relasyon ni Michael at Bea. 

Matatandaang sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Agosto ay minsan na ring tinalakay nina Ogie ang umano’y relasyon ng Pinoy British at ng Kapuso star.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag o reaksiyong nanggagaling mismo kina Michael, Bea, o Catriona man.

MAKI-BALITA: Bagong karelasyon ni Bea Alonzo, Pinoy-British?